Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Pagmamahal ng Isang Ina

Sa ating buhay ay mayroon pa kaya
Na sa ating ina'y higit pang dakila
Ina na nagtaya ng sariling buhay
Nang sa mundong ito'y tayo ay isilang

No'ng ako ay sanggol, batang maliit pa
Ay alam ni Inay pag ako'y balisa
Siya ay babangon, niya'y aalamin
Kung bakit ganoon, ano ba ang dahil
Kapag nalaman niyang ako'y nagugutom
Niya'y isusubo sa akin ang tsupon
At kapag malamig, ako ay naginaw
Ako'y mababalot ng yakap ni Inay
Kapag merong langgam siya na nakita
Agad papalisin, titirisin niya
Ang lamping nabasa, kanyang inaalis
Ang bago at tuyo kanyang ipapalit

Ako ay lumaki at na ay nag-aral
Siya pa rin ang sa landas ko'y tumatanglaw
Ako'y nagbinata, hanggang maging tao
Siya pa rin ang ilaw at tanging gabay ko
Ganyan kung paano magmahal ang ina
Wala siyang katumbas, walang hihigit pa
Ngayong siya'y malayo, meron akong hiling
Muli, sana siya ay aking makapiling

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Related quotes

Laking Marikina, Part 2

Isang paraiso no'n ang Ilog Marikina
Daming binubuhay, daming umaasa
Malinis na tubig, siya'ng pinagkukunan,
Inumin sa banga, panligo sa tapayan
Tumana sa baybay, daming binubuhay
Palakaya sa tubig, iba't-iba ang paraan
Sa inyo ko'y babanggitin, anu-ano ang pangalan

BINGWIT

Ang Bingwit ay isang panghuli ng isda
Na may tangkay, pisi, pabigat at taga
Sa Ingles siya ay rod, hook, line and sinker
Bingwit or Fishing Rod, parehong may pain
Pain namin no'n ay hipon at bulate
Sari-saring isda ang nangahuhuli
Biya, hito, kanduli, minsa'y bakule
Bingwit ay di pare-pareho ang gamit
Merong sa tubig lang ay inilalawit
Merong hinihila matapos ihagis
Para ng isda ang pain ay mapansin
Akala niya'y buhay, agad sasagpangin
Ang tawag namin sa ganitong paraan
Ay di namimingwit, kundi nanggagalay

PATUKBA

Patukba ay parang bingwit na maliit
Maikli ang pisi, ang tangkay ay siit
Tangkay ay matulis para maitusok
Pag iniuumang na sa tabi ng ilog
Sa dulo ng tangkay doon nakalawit
Ang pising sa dulo, taga'y nakakabit
Kung ito'y iumang ay sa dakong hapon
Pain ay palaka, kuliglig o suhong
IIwang magdamag hanggang sa umaga
ang oras na dapat sila'y pandawin na
Ang paing sa tubig ay kakawag-kawag
Ng bulig o dalag gustong sinisiyab
Ang aking patukba'y tatlumpu ang bilang
Di marami, di kaunti, lang ay katamtaman
Sa bilang na ito, bawat pag-uumang
Ang dalag kong huli'y naglalaro sa siyam
Ang paing kuliglig saan kinukuha?
Sa ilalim ng yagit sa bukid/tumana
Ang suhong naman ay sa mga putikan
Sa tabi ng ilog, kahit na nga saan
Ang palaka naman ay sa mga lawa, Sa bukid, sa ilog at lugar na basa

KITANG

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

A Dog Named Happy

Ang aso ni Karen ay pampered at spoiled
She thinks she's a human, she thinks she's not a dog
Mukhang merong pulgas, laging nagkakamot
Ugaling habulin ang sariling buntot
Siya'y parang whirligig na ikot nang ikot

Kapag siya'y aking nakakagalitan
Siya ay nag-e-emote, marunong masaktan
Siya'y nagtatampo, siya'y nagdaramdam
Sa ilalim ng sofa siya'y nagtatago
Siya'y maghapon doon, hindi kumikibo
Ang nakasungaw lang ay ang kanyang ulo
Hindi lumilingon as there I come and go
Pero paningin niya'y sinusundan ako
Para siya lumabas, para pakainin
Kinakailangan pang siya ay sunduin
At hindi lalakad, kelangang kalungin
Pero pag gusto kong drama niya'y matapos
Kukuha lang ako ng plastic o supot
Pag nilamukos ko at kanyang narinig
Siya ay lalabas, takbo, at full speed
She's thinking that I have for her something to eat

Sino man sa 'min ang lalayo, aalis
At nahalata niyang na ay nakabihis
Siya'y di mapakali, siya'y nangangalabit
Ibig sabihin no'n, siya din maghahatid
hanggang do'n sa driveway, hanggang doon sa gate

Ikaw na umalis, pag na ay dumating
Kailangang siya ang una mong batiin
Siya'y kahol nang kahol, hindi siya titigil
Hangga't ang tiyan niya'y di mo kinakamot
O balahibo niya'y di mo hinahaplos
Kinaakailangang ito ay gawin mo
At pag di nasiyahan, kelangang may take 2

At meron din siyang kakatwang ugali,
Kapag natutuwa ay napapaihi
Oftentimes sa balahibo niya sa puwet
Malagkit na pupu ay may dumidikit
Siya'y uncomfortable, shy at laging kimi
Sa ilalim ng mesa, doon siya palagi
Parang nahihiya na siya ay marumi

Hindi lamang ito, siya pa'y intrigera
Mahilig sumali sa away ng iba
Pag me mga pusang sa labas nag-away
Siya'y nagagalit, siya ay kumakawkaw
Parang sinasabing 'Hwag kayong maingay! '

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Ang Hagdan ng Buhay

Ang buhay ay hagdan na bawat baitang
ay mayroong turo't iniiwang aral.
Sa dulo ng hagdan ako'y nakarating.
Anu-anong aral ba'ng naiwan sa 'kin?

Ang unang baitang, di ko namalayan
Ang aking paligid, hindi nawarian
Ako pa ay sanggol at kulang sa muwang
Ngunit kahit konti, na'y may natutunan
Ang ilan sa aking pangangailangan
Umiyak lang ako'y aking nakakamtan
Pag ako'y nagutom, sa 'ki'y ilalapit
Ang dibdib ni Inang sa gatas ay tigib
Pag ako'y naginaw, ako ay nanlamig
Ako'y mababalot, yakap na mainit
Ngunit gusto ko mang do'n ay manatili
Hindi mangyayari, hindi maaari
Ako nga'y sagana do'n sa pagmamahal
Ngunit kailangang ako ay lumisan

Sa pagkabata ko ako ay dumatal
Doo'y nakapulot din ng konting aral
Ang buhay ng bata ay di laging tamis
Doo'y mayro'ng lumbay, may hapdi at sakit
Laruang nawala, kaibigang lumayo
O kagat ng langgam ay pagkasiphayo
Napag-alaman ko na maari pa rin
Sa pag-iyak lamang, gusto'y maging akin
Sa konting sipag at pagkamasunurin
Mayroong gantimpalang sa aki'y darating

Ilang taon lamang ay nagulat ako
Ako ay isa nang taong binatilyo
Ang pagiging bata ay aking iniwan
Ako pala'y meron nang pananagutan
Sa mga kapatid, sa mga magulang
Sa ikabubuhay dapat nang tumulong
Ang pag-aaral na'y isang obligasyon
Sa tatag ng bukas ay isang pundasyon
Di lahat ng hiling pa ay makakamtan
Kailangang sila na ay pagpaguran

Sa pagkabinata ay aking nalaman
Ang pag-ibig pala'y sari-sari'ng taglay
May tamis, ligaya, hapis, kalungkutan
Pait o ligaya, bigo o tagumpay

Sa pagkabinata ko rin napagmasdan
Mga paruparo na nagliliparan
Sa mga bulaklak ay palipat-lipat

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Panaginip

Nagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok
Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok
Kahit mainit, malamig basta't napasandal
Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal

Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa naman
Tayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam
Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal
Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal

Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita
Kahit sinasampal nila ako, nakikita pa kita
Ano nga bang pinakain mo, bakit patay na patay ako
Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko

Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasya
Sagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya
Buong hacienda, ipapamana sa iyo
Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako

CHORUS
Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahal

Pagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling
Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin
'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw
'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigaw

Napahiyaw 'pagkat nangyari ang aking inaasam
Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram
Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip
Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikip

Pinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa
At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala
Binale-wala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay
Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigay

Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos
Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos
Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin
At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magising

[Repeat CHORUS]

3RD STANZA BACKGROUND
Nasa'n ka man ngayon

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Hi Tech

Salamat na lamang sa high technology
Na kahit huli na'y umabot pa kami
Kaming 'pinanganak noong ninteeen thirty's
At swerteng narating ang idad seventies

Ang tula na ito nang aking sulatin
Sign pen ang ginamit, substitute ay ballpen
Final draft, tinapos sa aking computer
Malinis na kopya'y ginawa sa printer

Extra copy nito'y puwedeng ipadala
Attachment sa email, by fax at meron pa
Surface mail at airmail, kundi kuntento ka
By Fedex, LBC, hari ng padala

Ang maraming kopya, paano gagawin
Noon ay photostat, masyadong maitim
O kaya'y mimeograph, a very messy thing
Tinta'y kumakalat sa pag-i-stencil
Ngayon nama'y xerox, pagkopya'y matulin

Kung ang tulang ito'y noon ko sinulat
Ako'y mayayamot, at iyon ay tiyak
Kung kailan ako ay nagmamadali
Ang lapis na gamit, saka mababali
Gamit na fountain pen, tinta'y umaagas
Kundi nagtatae, penpoint ay matalas
Sa aking 'cocomband', kakamot, kakaskas

Noong bata kami, ay wala pang cellphone
Telepono'y mayaman lang ang mayroon
Lihim na pag-ibig, hindi maite-text
Tulay o messenger, kelangang gumamit
Resultang madalas, sulat maintercept
Ng tatay o nanay na napakahigpit
O kaya'y si darleng, sa 'tulay' kumabet

Kapag ang wagas na pag-ibig na iyo
Ay sa kaprasong papel pa isusulat mo
Sa post o koreo padadaanin pa
Bago ka masagot, kayo'y matanda na

Walang mega taksing kung tawagi'y FX
Magtitiyaga ka lang sa PUJ na dyip
'God Knows Hudas Not Pay', paskel, nakadikit
'Upong Diyes lamang po', laging sinasambit
Ng tsuper na kundi mabait-masungit

Mga bata noon, hilig ay mangisda
'Fighting fish' naman ang sa mga matanda

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

A Love Story

-


(Chapter I)

October was the month, year 7 + 50
Ang lugar ay isang classroom sa PCC
Nang siya'y tumambad sa aking paningin
Magandang dilag na simple at mahinhin
Agad na naantig, puso ko't damdamin

Hindi mapigilan, pusong pumipitlag
Lihim na damdamin, gustong ipahayag
Sa aking isip ay may nabuo agad
Kailangang siya ay aking makilala
Ngunit ang modus ay papaano baga

Ang seating arrangement sa class na naturan,
Nasa harap ko siya, ako'y sa likuran
Agad kong napansin, kanyang kasuotan
Ang uso noon na kung tawagi'y H-line
Blusa na may lupi sa baba ng bewang
Na nakapaligid d'on sa may laylayan

Kahit alam ko na yao'y kamalian
Ng kaprasong papel, lupi'y hinulugan
Utos ng damdaming hindi mapigilan
Sa papel na iyon, nakasulat ba'y ano
Yao'y walang iba kundi ang 'I love you'

Sumunod na araw, si Romeo'y balisa
Hindi kumikibo at kakaba-kaba
Kung ano'ng gagawin hindi niya malaman
Reaksiyon ni Juliet, pinakiramdaman
Ang may gawa kaya ay kanya nang alam

Sa loob ng campus, one day, isang araw
Papasok sa canteen, chick ay naispatan
Mayroong kasama, isang kaibigan
This is the right timing, pasok si Don Juan
Tatlong bote ng coke agad binayaran

Sa harap ng dilag agad ibinaba
Ang mga de boteng malamig at basa
Ang magkaibigan, obvious na nabigla
Lumabas ng canteen na rumaragasa
Self-intro ni Romeo ay hindi nagawa
Naiwan sa canteen na nakatunganga

Ang pobreng binata ay kawawa naman

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Pagkamoot ki Seminarista

Kang ako malaog palang sa seminaryo
Ako nagduwa-duwa sa inot
Ta ang tentasyon wala-too
Alagad ang pagtubod dayupot

Asin sakuyang namidbidan
Si sarong babae na grabe sa gayon
Madali ko na kutang malingawan
Su seminaryong mawoton

Ining sarong magayonon na babae
Naparani sa puso kong grabe
Alagad dai ko kayang talikdan
Ang pagpadi na sakuyang pangapodan

Pero dai ko kayang bayaan
Ang pagkamoot ko saiyang tunay
Maray ngani ta yaon si “sir nuarin” na barkadang tunay
Pigpasabot sako na ako kaipuhan kang simbahan

Mag-abot amg bulan kang desyembre
Ako dapat nang magpili: si bokasyon o si babae?
Rinigalohan ko siya ki alarm clock ta siya priming late sa klase
Ang regalo niya man sako pagkamooy na grabe

Nakaagi na ang malipoton na pasko
Alagad nag-init ta siya ang nasa isip ko
Pero dai man giraray nawara sako
Si pangapodan na maglaog sa seminaryo

Pag-abot kang pebrero
Bulang nin mga puso
Nagkaigwa ki valentine’s ball
Duman sa samong school

Kan bulan na ito naging kami ni babae
Alagad puon kaito, nagbaha sa bilog na legazpi
Sarong semanang labi-labi ang uran
Ang samuyang pagkaminootan kaipuhan nang wakasan

Nagiromdoman ko, bago niya ako binayaan
Ako Saiyang sinabihan
Na ako dapat magpadi
Ta siya man daa ma-madre

Grabeng kulog ang sakuyang namatian
Ta su babaeng sakuyang namotan
Asin nagi nang rason kan sakuyang buhay
Mawawara nang paluway-luway

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Identity Crisis

Sa aking buhay ay may mga komedi
Na naranasan ko, sila ay marami
na nakakatawa, so makinig kayo
Isa-isa sila'y isasalaysay ko

Isang araw ako ay nasa bangketa
Ang sasakyan kong dyip ay hinihintay pa
Nang sa akin ay mayroong kumalabit,
si Mr. C. Santos, Director ng Roosevelt

Ako ay natuwa, ako'y nasiyahan
Na kay daming taon na ang nakaraan
Ako'y binati niya't pa'y natatandaan
Isang bagay na di ko inaasahan

Sa isang student na hindi nag-excel
At sa kanyang iskul di naging outstanding
Ito'y isang honor nang maituturing
Isang karangalan na para sa akin

Matapos ang konting kwento't kumustahan
Si Mr. Santos ay sa 'kin nagpaalam
'O, TONY, diyan ka na, ako'y aalis na,
at kumusta ulit sa iyong pamilya.'

Nang si Mr. Santos, wala na't malayo
Ang naramdaman ko ay pagkasiphayo
Aking kasiyahan, napawi't umalis
Di ako si Tony, siya'y aking KAPATID

Isang araw naman, ako'y nakatambay
Do'n kay Pareng Miniong, sa kanyang tindahan
Dumating ang ex-Mayor ng Marikina
Si Hon. Gil Fernando at wala nang iba

Ako'y kinausap, ako'y kinumusta
Ako ay natuwa, ako'y siyang-siya
Na akong anak ng dating ka-ticket niya
Ay natatandaan, kanya pang kilala

Narito ang siste, nang siya'y magpaalam
'O, aalis na ako't di na magtatagal
Sa iyong ama ay kumusta na lamang,
Kay Dr. Siasoco, aking kaibigan.'

Ako ay nanlumo, paano ba naman
Tatay ko'y Hernandez, Ayong ang pangalan
At siya'y hindi doktor, isang employee lang
Which only shows na 'ko'y napagkamalan lang

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Ipagpatawad Mo

Ipagpatawad mo aking kapangahasan
Ang damdamin ko sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo
Ipagpatawad mo ako ay naguguluhan
Di ka masisi na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo
Ipagpatawad mo minahal kita agad

Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-matagal ko ng gustong sabihin sayo to
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-kahit na ngayon lamang tayo nagkatagpo
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-lagi kong pinapangarap na ikaw ay sumakay
Haaaaaaaaaaaaaa
Minahal kita agad
-sa aking pedikab akoy maghihintay

RAP
Ng ikaw
Unang beses kong masilayan
Diko malaman bakit nagkaganito
Inutusan lang naman ako ng aking inay na pumunta ng palenket bumili ng pito pito
Sinigang sa miso
Ang ulam namin sa umaga tanghali hapunan abutin man ng gabi
Pabalik-balik mang lumakad sa harapan ng inyong tindahan kahit wala akong pera na pangbili
Nilakasan ang loob at nilapitan kita
Baka sakali na pwede kitang maimbita
Kahit di gaanong maayos ang aking suot
Ang polo ko na kulubot
Pagkatapos akoy nagsalita
Mawalang galang na miss
Teka wag kang mabilis
Lumakad so pwede ba kitang maihatid
Gamit aking pedikab
Na aking pinakintab
Wag ka ng magbayad sana sa akin ay bumilib
Ako ng magdadala ng payong at ng bag mo
Paligi kong pupunasan ang mga libag mo
Kahit di ako ang pinapangarap hinahanap pag kaharap ay palaging binibihag mo
Ang katulad kong maralitang umiibig at pilit na inaabot ang mga bituin
Gano mang kadaming salitang aking ipunin balutin ilihim sabihin ang tangi kong hiling
Makinig ka sana sakin...
[ Lyrics from: http: //www.lyricsmode.com/lyrics/g/gloc_9/ipagpatawad_ mo.html ]

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Larong Trumpo

Ang laro sa trumpo na inabutan ko
Sa barrio namin ang ngalan ay Pandiego
Ang tamang spelling at talagang tawag
Ay hindi ko alam, hindi ko matiyak
Ngunit aking alam ang alituntunin
Kung p'anong ang laro ay dapat na gawin
Sila sa inyo ko'y iisa-isahin

Sa lupa'y guguhit ng isang bilog muna
Na ang diametro'y mga isang yarda
Guguhit ng ekis sa gitna at loob
Ang crossing ng ekis ay siyang centerpoint
Ng mga player ay siyang patatamaan
Ang mano't ang taya saka malalaman

Sa rules ng manuhan, kami ay strikto
Di komo malapit ang tama ng pako
Ikaw na'y di taya, ikaw na ay mano
Dapat umiikot, buhay ang iyong trumpo
At kelangang ito pa ay masate mo
Dahil pag nalaglag, ikaw din ay talo

Mayroon kaming rules na taya ang kulelat
Ang lahat ay buhay at titirang lahat
Nagsosolong taya ng kotong ay tadtad
Pero di tatagal, taya'y dumadami
Namatay sa loob, hindi nakasikad'
Di nakamaniola, kaya'y di nasate

Para ang laro ay parehas at timbang
Hinahati namin ang patay at buhay
O dami ng taya at ng tumitira
Kung ito ay gawin, nami'y paano ba
Kung apat ang player 'taya' ang dalawang
pinakakulelat, dalawang mano'y 'tira'

Ang mga trumpo na taya at 'patay' na
Ng mga 'buhay' silay tinitira
Trumpong nakataya kapag napakuan
Ito'y 'nakotongan' kung aming bansagan
Pag ang tayang trumpo'y natuklap, natapyas
'Nasiklatan' naman naming tinatawag

Trumpong itinira, pag hindi umikot
Iyon na ay patay, taya na sa loob
Trumpong di umikot, pero me nagalaw
Na trumpo na taya, siya pa rin ay buhay
Puwedeng muli't ulit siya ay tumira
Iyon ang tinatawag namin na 'maniola'
Ang trumpong nabuhay sa labas ng guhit

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Hinahanap Ng Puso

Pasensya na aking mahal
Di naman ako magtatagal
Nais ko lang marinig mo ang bawat nilalaman
Ng puso kong ito inaalay ko sayo
Dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko
Pilitin mang ibalin at sa iba'y isalin
Ay di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin
Ng una kang makita hindi makapaniwala
Parang panaginip at langit aking nadarama

Nais kong malaman mong ikaw ang aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

Ngunit ngayon alam ko na
Sadyang magkaiba
Ano nga naman ang hindi mo pwedeng makita sa kanya
Merong magarang kotse
Wallet na doble doble
Di tulad ko na di man lang makapanood ng sine
Sana'y malaman mo na mawala man ako
Ay may pag-ibig na laging gumagabay sayo
Di ka pababayan, laging aalagaan
Hanggang sa dulo ay tunay ang aking naramdaman

Nais kong malaman mong ikaw ang aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)
Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Patawad

Marami nang taon ang nakakalipas
Nang ng isang dilag pansin mo'y natawag
Ang kutis at tindig niya ay katamtaman
Di man pambihira ang niya'y kagandahan
Maayos ang kilos, maganda'ng ugali
Kaya ang puso mo'y kanyang nabighani

Simula noon ay iyo nang ninais
Na ang damdamin mo'y maipahiwatig
Sa isang sulat ay iyong naihatid
Ang tinataglay mong lihim na pag-ibig
Kinabukasan ang sulat mo'y sinagot
Ika'y nasiyahan, gumaan ang loob
Ikaw ay binigyan niya ng pag-asa
Mula noon ikaw ay laging masaya

Ang iyong pag-ibig ay kanyang tinanggap
Pagmamahalan ninyo'y sumibol agad
Kayo'y nagsumpaan na magmamahalan
Sa simula't hanggang magpakailanman

Mga araw na sa inyo'y namagitan
Ay alaalang kay tamis na balikan
Paggawa ng parol, magkatulong kayo
Pag may simbang gabi't malapit na'ng pasko
Kapag simbang gabi, kayo'y magkasabay
At naglalakad na magkahawak-kamay
At kapag sa ilog siya'y naglalaba
Ika'y nakabantay, minamasdan siya

Ngunit bakit gano'n, hindi natagalan
Puso mo'y nalihis, ng landas naligaw
Sukdulang naapi ang kanyang pag-ibig
Nang sa ibang dilag ikaw ay naakit
Labis sa kamay mo, puso niya'y nasaktan
Ang kanyang pag-ibig, iyong sinuklian
Ng di pag-ibig din kundi kataksilan

Ang mga palad mo'y may bahid ng dugo
Ng kanyang naluray, nadurog na puso
Ng sariling budhi ika'y binagabag
Sa kanya ikaw ay labis na nahabag
Huli't walang silbi, magsisi man ikaw
Sa ibang babae ikaw na ay kasal
Na higit sa lahat ay iyong minahal

Sa iyong buhay ay merong mga araw
Na katahimikan ay di mo matagpuan
Dahilan ba'y ano, iyong iniisip
Ikaw ba ay kanya pa na iniibig

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Bakit

CHORUS: Bakit hinahanap ka (bakit kaya)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan
[Repeat CHORUS]

Nang una kitang makita
Sa may Ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit
Na para bang ako'y naakit

Nang ika'y lumapit
Tinanong ko ang 'yong pangalan at ang
'Yong telepono, pero sabi mo
'Di mo kinakausap ang mga katulad kong

Walang pera, walang kotse
'Di doble-doble ang cell
Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis
Lumakad, 'di naman ako manyakis

At walang labis
Walang kulang ang sinukli ko sa 'yo
Balot
Eto pa sige dalhin mo na lang sa inyo

Kahit na wala akong kitain
Walang makain
Basta't alam mo lang
Kung gano kahalaga sa akin

Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran)
At mapagsilbihan (pagsilbihan)
'Pagpatawad mo sana
Ako man ay naguguluhan

[Repeat CHORUS twice]

Sa loob ng aking kuwarto
Sa loob ng banyo
Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato
Kinunan ko sa may kanto

At ipinakuwadro ko pa
Nang sa ganon ay lagi tayong magkasama
Araw man o gabi kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa

Ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa sine
Alam mo na para bang imposible
Pero pwede ka bang mailibre

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Ang Aming Magulang

Sa isang mag-anak ay meron pa kaya
Na sa ama't ina'y higit pang dakila
Na kahit sa angkang mahirap nagmula
Ang para sa anak, lahat ay ginawa

Sa paaralan ay di man nakatuntong
Mataas na aral di man nagkaroon
Binigyan ang anak ng pagkakataon
Na sa kahirapan ay mangakaahon

Di man napatira sa bahay na mansion
Ng malaking yaman di man nakaipon
Ang yaman nila ay sa anak naroon
Wala sa salapi kundi edukasyon

Ang amin pong ina ay tubong Montalban
At ang aming ama'y San Mateo naman
Ng anim na anak ay biniyayaan
Hanggang sa lumaki'y pawang ginabayan

Sa tamang ugali sila ay hinubog
Marunong magtiis kahit kinakapos
Mga pinalaki na mayroong takot
Sa batas ng tao at batas ng Diyos

Nang ako'y bata pa, natatandaan ko
Ang aming almusal lamang ay kung ano
Pan de sal na simple at walang palaman
Kapeng walang gatas lamang ang kasabay

Kung bakit gano'n lang, di dapat pagtakhan
Ay sadyang matipid ang aming magulang
Di ubos-biyaya kung may tinago man
Ang bukas ang laging pinaghahandaan

At tanda ko pa rin na kapag Deciembre
Sa Divisoria na sila'y namimili
Ng tela, damit at iba pang kalakal
Upang ipamalit ng tag-aning palay

Kaya laging puno yaong aming bangan
May pambentang bigas at panglaman sa tiyan
Hindi man marangya ang hapag kainan
Sumala sa oras, kami'y hindi naman

Noong Second World War, hinuli ng Hapon
Ang aming ama at saka ikinulong
Tumingin sa amin habang wala siya
Ay ang aming ina at wala nang iba

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Kamatayan ng Isang Ilog

Simula pa noong aking kamusmusan
Ang ilog sa amin sa akin napamahal
Malaking bahagi ng kabataan ko
Ay dito nagugol hanggang maging tao

Malinaw ang tubig sa Batis at Layon
Sarap magtampisaw, kay sarap lumangoy
Sa kanyang Agos ay nagpapati-anod
Sa Uli-uli niya ay nagpapahigop
Sa Alimbukay na pumapaibabaw
Mula sa ilalim masarap sumakay

Siya ay Cornucopia ng likas na yaman
Ng isda sa tubig, halaman sa baybay
Sa kanyang aplaya'y kay inam mamasyal
Lunas sa isip na nagulumihanan
Ang singaw ng tubig at simoy ng hangin
Ng may karamdaman, mabuting langhapin

At do'n sa malalim, nasa dakong gitna
Ang mga tao ay nagsisipamangka
Ang gamit ay sagwan o mahabang tikin
Sa balsang kawayan o tiniban ng saging

Ilog na piknikan ng napakarami
Nilang kakainin di na binibili
Magdadala lamang ng posporo, bigas,
asin at lutuan, ayos na ang lahat
Di na kailangan ang mamalakaya
Mangangapa lamang, ay merong ulam na
Hipon, Bulig, Biya, kasama na Tulya,
Di ka kakapusin, meron nang gulay pa
Gulay na nagkalat lamang sa baybayin
O gulay na galing sa tubig na lalim
Ito'y Kalabuwa, katulad ay Pechay
Na sa kamatis ay masarap isigang

At sa kalaliman kay daming halaman
Kasama ng lumot, at sintas-sintasan
Digman at iba pa na gustong taguan
Ng Hipon, at Biya, saka Talibantan

Yaong aming ilog ay siya ring tahanan
Ng Sulib, ng Kuhol, ng Susong Tibagwang
Masarap ipangat, masarap subukan
Na pag ginataa'y lalong malinamnam

Ang Hipong Tagunton huli sa Talabog
Masarap na pritong muna'y hinalabos
Ang higanteng hipon, kung tawagi'y Ulang

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Linda Blair by Tanya Markova

Umaga sa bahay, ako'y inaantok pa
Napuyat ng magbabad sa horror na palabas

Si nanay, si tatay sumisigaw sa baba
Gumising ka na daw nasa lamesa ang almusal

Sa classroom si teacher ako'y inaasar pa
Nagtatanong kung ako'y naligo daw kanina

Bigla kong nanlamig, buhok ko ay tumirik
Puno ng galit at pait nang ako'y mamilipit

Refrain:

Namula ang mata, at humagis pa ang silya
Ako'y biglang nasuka, humarap kay teacher
At sinabi na 'Langhiya'

Teacher, teacher ako si Linda Blair
I'm the monster everywhere I can feel it in the air
I can feel it in the air

Teacher, teacher
I'm just trying to be fair
Huwag ka nang mag-worry
Huwag ka nang mag-worry
Huwag ka kang mag-worry

Gumapang, sumampa, sa table nyang marumi
Habang nag-kokombulsyon at biglang nakangisi

Ako ay dumura ng plema sa mukha nya
Si teacher ay nasindak pumapatak ang luha

Ang klase'y nabigla lahat napatunganga
Sinaniban daw ako'y kelangan kong dasal

Ang iba'y lumabas nag-sumbong kay Prinsipal
Nagkagulo na tuloy sa buong paaralan

Namula ang mata, at humagis pa ang silya
Ako'y biglang nasuka, humarap kay teacher
At sinabi na 'Langhiya'

Teacher, teacher ako si Linda Blair
And the ghosts are everywhere
I can feel it in the air

Teacher, teacher
I'm just trying to be fair

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Hecho

Nang ako'y bata pa, natatandaan ko
Na ang aking Lola at ang aking Lolo
Pag di nakanganga, mainit ang ulo
Paano ba naman, kanilang langguayan
Hindi nila alam ay wala nang laman
Ganitong sitwasyon, pag ko'y naramdaman
Ay well-bahaved ako, baka makutusan

Ingredients ng nganga ay anu ano ba
Ikmo, apog, bunga at saka maskada
Ang ikmo'y papahiran muna ng apog
Saka sa maskada't bunga'y ibabalot
Sabay-sabay silang saka ngunguyain
Ng mapulang bibig, ngipin na maitim
Ang sangkap ng nganga, habang nginangalot
Iyong maririnig na lumalangutngot
Green, brown, reddish at white sila ng pumasok
Pula nang lumabas sila pagkatapos
Ito kung tawagin sa amin ay hecho
Ay! ang daming gamit, ako'y pakinggan n'yo
Pangtapal sa dibdib kapag inuubo
Liniment sa likod laban sa pneumonia
At hindi lang iyan, mayroon pang iba
Panghaplas sa tiyan mo kapag nausog ka

Mga nagnganganga ay maraming gamit
At ang langguayan ang unang mababanggit
Kahon ng sapatos ang nito'y kawangis
Na merong compartments, sari-saring sukat
Doon nakalagaya ang gamit at sangkap
Ang kolokate ay pangtalop, pangbiyak
Ng bungang maganit, makunat ang balat
Pambiyak din ito ng butong matigas
na para lumiit gamit na pangtadtad
Ang mortar and pestle o almires at halo
Ay gamit sa nganga habang binabayo
Dito ang kanilang substitute ay sumpak
Hanggang ang nganga ay maluba't malupak

I have nothing against the nganga and hecho
Except in one instance noon sa buhay ko
Naglalaro kami below the bintana
Ng jolens na uso no'n sa mga bata
Nang sa likod ko ay mayroong tumoplak
Na mainit-init, tanong ko'y 'What is that? '
To resolve the issue, T-shirt ko'y hinubad
Kung iyon ba ay ano ay inalam agad
Ako'y tumingala din upang alamin
Kung ano nga ba 'yon at saan nanggaling
Ang aking nakita ay si Lolo Sidro

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Sirena

Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Simula pa no'ng bata pa ako,
Halata mona kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito,
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula,
Sa bubble gum na sinapa
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
Sinasabi sa sarili 'ano'ng panama nila'
Habang kumekembot ang bewang,
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan,
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot.


[Ebe Dancel]
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib
[Gloc 9]
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero baki't parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
Kahit binaliw nasa tapang, kasi ganun na lamang

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Sa Isip ng isang Sintu-sinto

Ako no'n ay nakatayo, sa isang tabi ng bangketa
Ang aking sasakyan na dyip, ay aking hinihintay pa
Nang isang batang gusgusin, sa tindahan ay lumapit
May binili, ang bayad ay dyario lamang na ginupit

Ako'y konting naintriga, nagtanong, di nakatiis
Lola, sino po ba iyon, yung batang nanglilimahid
Na ng kendi ay bumili, dyario't papel ang pambayad
Ako lang po'y nagtataka dahil ninyo ay tinanggap

Iyon, anak, ay si Intong, isang batang kulang-kulang
Sa tamang isip ay kapos, dahil kinulang sa buwan
Ngunit kahit na siya'y ganoon, nami'y kinagigiliwan
Pakibigay, pakidala, siya'y aming nauutusan

Sandaling ako'y natigilan, sa sarili'y naglilirip
Kahit sino, kahit ano, sa ibabaw ng daigdig
Maliit man o malaki, meron siyang kabuluhan
Na ng ating Panginoon, itinakda't ibinigay

May binatilyong dumating, perang papel ay pinunit
At saka itinapon d'on sa may kanal na malapit
Batang paslit ay gumanti, ng bote siya ay binato
Kahit hindi tinamaan, reresbak ang binatilyo

Huwag! Huwag Iho! Huwag mo sanang iyan ay gawin
Pagkat ang may kasalana'y walang iba't ikaw na rin
Ang pera niya, kahit dyario't ginupit lamang na papel
Sa isang katulad niya ay kayamanan kung ituring

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Tao Lang

Uy si Loonie Yun ah
Tara lapitan natin
Idol Fliptop tayo
Tara isa lang kuya, sige na

Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan
Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan
Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha?
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Wag sanang apurado, anong magagawa ko?
Wala akong maisip, masyado pang mainit
Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman
kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos
Andame ng kapeng ipinautos
Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos
Isang patak na lang pero aking ibubuhos.

Hook:
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
Ako ay tao lang din naman na tulad mo
Ano ba ang dapat na gawin
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang.


Pasensya na, tao lang


Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
Lumakad humakbang hanggang sa madapa
Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala
Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
Kaya wag kang matakot magkamali
Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali
Yan ang sabi sa akin ng aking itay
Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay
hindi nasusunod
Ayoko ng sumali, gusto kong manuod
Minsan wala ng gana, ayoko ng magrap
Kase akala ko dati, alam ko na lahat
Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis.

Hook

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share
 

Search


Recent searches | Top searches