Kamatayan ng Isang Ilog
Simula pa noong aking kamusmusan
Ang ilog sa amin sa akin napamahal
Malaking bahagi ng kabataan ko
Ay dito nagugol hanggang maging tao
Malinaw ang tubig sa Batis at Layon
Sarap magtampisaw, kay sarap lumangoy
Sa kanyang Agos ay nagpapati-anod
Sa Uli-uli niya ay nagpapahigop
Sa Alimbukay na pumapaibabaw
Mula sa ilalim masarap sumakay
Siya ay Cornucopia ng likas na yaman
Ng isda sa tubig, halaman sa baybay
Sa kanyang aplaya'y kay inam mamasyal
Lunas sa isip na nagulumihanan
Ang singaw ng tubig at simoy ng hangin
Ng may karamdaman, mabuting langhapin
At do'n sa malalim, nasa dakong gitna
Ang mga tao ay nagsisipamangka
Ang gamit ay sagwan o mahabang tikin
Sa balsang kawayan o tiniban ng saging
Ilog na piknikan ng napakarami
Nilang kakainin di na binibili
Magdadala lamang ng posporo, bigas,
asin at lutuan, ayos na ang lahat
Di na kailangan ang mamalakaya
Mangangapa lamang, ay merong ulam na
Hipon, Bulig, Biya, kasama na Tulya,
Di ka kakapusin, meron nang gulay pa
Gulay na nagkalat lamang sa baybayin
O gulay na galing sa tubig na lalim
Ito'y Kalabuwa, katulad ay Pechay
Na sa kamatis ay masarap isigang
At sa kalaliman kay daming halaman
Kasama ng lumot, at sintas-sintasan
Digman at iba pa na gustong taguan
Ng Hipon, at Biya, saka Talibantan
Yaong aming ilog ay siya ring tahanan
Ng Sulib, ng Kuhol, ng Susong Tibagwang
Masarap ipangat, masarap subukan
Na pag ginataa'y lalong malinamnam
Ang Hipong Tagunton huli sa Talabog
Masarap na pritong muna'y hinalabos
Ang higanteng hipon, kung tawagi'y Ulang
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
