Ang Aming Magulang
Sa isang mag-anak ay meron pa kaya
Na sa ama't ina'y higit pang dakila
Na kahit sa angkang mahirap nagmula
Ang para sa anak, lahat ay ginawa
Sa paaralan ay di man nakatuntong
Mataas na aral di man nagkaroon
Binigyan ang anak ng pagkakataon
Na sa kahirapan ay mangakaahon
Di man napatira sa bahay na mansion
Ng malaking yaman di man nakaipon
Ang yaman nila ay sa anak naroon
Wala sa salapi kundi edukasyon
Ang amin pong ina ay tubong Montalban
At ang aming ama'y San Mateo naman
Ng anim na anak ay biniyayaan
Hanggang sa lumaki'y pawang ginabayan
Sa tamang ugali sila ay hinubog
Marunong magtiis kahit kinakapos
Mga pinalaki na mayroong takot
Sa batas ng tao at batas ng Diyos
Nang ako'y bata pa, natatandaan ko
Ang aming almusal lamang ay kung ano
Pan de sal na simple at walang palaman
Kapeng walang gatas lamang ang kasabay
Kung bakit gano'n lang, di dapat pagtakhan
Ay sadyang matipid ang aming magulang
Di ubos-biyaya kung may tinago man
Ang bukas ang laging pinaghahandaan
At tanda ko pa rin na kapag Deciembre
Sa Divisoria na sila'y namimili
Ng tela, damit at iba pang kalakal
Upang ipamalit ng tag-aning palay
Kaya laging puno yaong aming bangan
May pambentang bigas at panglaman sa tiyan
Hindi man marangya ang hapag kainan
Sumala sa oras, kami'y hindi naman
Noong Second World War, hinuli ng Hapon
Ang aming ama at saka ikinulong
Tumingin sa amin habang wala siya
Ay ang aming ina at wala nang iba
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
