Identity Crisis
Sa aking buhay ay may mga komedi
Na naranasan ko, sila ay marami
na nakakatawa, so makinig kayo
Isa-isa sila'y isasalaysay ko
Isang araw ako ay nasa bangketa
Ang sasakyan kong dyip ay hinihintay pa
Nang sa akin ay mayroong kumalabit,
si Mr. C. Santos, Director ng Roosevelt
Ako ay natuwa, ako'y nasiyahan
Na kay daming taon na ang nakaraan
Ako'y binati niya't pa'y natatandaan
Isang bagay na di ko inaasahan
Sa isang student na hindi nag-excel
At sa kanyang iskul di naging outstanding
Ito'y isang honor nang maituturing
Isang karangalan na para sa akin
Matapos ang konting kwento't kumustahan
Si Mr. Santos ay sa 'kin nagpaalam
'O, TONY, diyan ka na, ako'y aalis na,
at kumusta ulit sa iyong pamilya.'
Nang si Mr. Santos, wala na't malayo
Ang naramdaman ko ay pagkasiphayo
Aking kasiyahan, napawi't umalis
Di ako si Tony, siya'y aking KAPATID
Isang araw naman, ako'y nakatambay
Do'n kay Pareng Miniong, sa kanyang tindahan
Dumating ang ex-Mayor ng Marikina
Si Hon. Gil Fernando at wala nang iba
Ako'y kinausap, ako'y kinumusta
Ako ay natuwa, ako'y siyang-siya
Na akong anak ng dating ka-ticket niya
Ay natatandaan, kanya pang kilala
Narito ang siste, nang siya'y magpaalam
'O, aalis na ako't di na magtatagal
Sa iyong ama ay kumusta na lamang,
Kay Dr. Siasoco, aking kaibigan.'
Ako ay nanlumo, paano ba naman
Tatay ko'y Hernandez, Ayong ang pangalan
At siya'y hindi doktor, isang employee lang
Which only shows na 'ko'y napagkamalan lang
Mas masaklap itong aking ikukuwento
Sa isang bangketa'y naglalakad ako
Classmate sa grade school,19kopong-kopong
Nakangiti pa nang aking masalubong
Ang sabi niya agad, 'Kilala ko kayo.
Kayo'y taga-Nangka, natatandaan ko,
ang tatay ng kakalase ko'y di ba't kayo?
Ang ngalan niya ay Hernandez, Pacifico.'
'Ay! bakit ba ganoon, bakit ba ganito,
Paano bang ako ay naging tatay ko? '
'Biktima ka Amang ng Identity Crisis,
Pasensiya ka na lang at huwag mainis'.
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

No comments until now.