A Love Story
-
(Chapter I)
October was the month, year 7 + 50
Ang lugar ay isang classroom sa PCC
Nang siya'y tumambad sa aking paningin
Magandang dilag na simple at mahinhin
Agad na naantig, puso ko't damdamin
Hindi mapigilan, pusong pumipitlag
Lihim na damdamin, gustong ipahayag
Sa aking isip ay may nabuo agad
Kailangang siya ay aking makilala
Ngunit ang modus ay papaano baga
Ang seating arrangement sa class na naturan,
Nasa harap ko siya, ako'y sa likuran
Agad kong napansin, kanyang kasuotan
Ang uso noon na kung tawagi'y H-line
Blusa na may lupi sa baba ng bewang
Na nakapaligid d'on sa may laylayan
Kahit alam ko na yao'y kamalian
Ng kaprasong papel, lupi'y hinulugan
Utos ng damdaming hindi mapigilan
Sa papel na iyon, nakasulat ba'y ano
Yao'y walang iba kundi ang 'I love you'
Sumunod na araw, si Romeo'y balisa
Hindi kumikibo at kakaba-kaba
Kung ano'ng gagawin hindi niya malaman
Reaksiyon ni Juliet, pinakiramdaman
Ang may gawa kaya ay kanya nang alam
Sa loob ng campus, one day, isang araw
Papasok sa canteen, chick ay naispatan
Mayroong kasama, isang kaibigan
This is the right timing, pasok si Don Juan
Tatlong bote ng coke agad binayaran
Sa harap ng dilag agad ibinaba
Ang mga de boteng malamig at basa
Ang magkaibigan, obvious na nabigla
Lumabas ng canteen na rumaragasa
Self-intro ni Romeo ay hindi nagawa
Naiwan sa canteen na nakatunganga
Ang pobreng binata ay kawawa naman
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
