Hibang Na Pag-ibig
O pag-ibig kailan ka titigil
Mata mo'y buksan at ng iyong mapansin
Mapagsamantalang puso iba ang hangarin
Kahinaan mo ay di dapat gamitin
Isip ay buksan at ng iyong malaman
Ang mali kahit kailanman ay di naging mainam
Pang-unawang kaytagal nang nalalambungan
Maling akala'y dapat ng maparam
Tuna'y ngang pag-ibig ay sadyang wagas
Nguni't paano kung ito'y magamit ng isang ahas
Mapanukso niyang galaw at ng angking tikas
Sa kamandag ng kanyang dila ika'y di makaiwas
Sa isang sulok ng mundo kong tahimik
Ni sa isang saglit di ko naisip
Puso kong sugatan ay iyong masagi
At ang kirot nito ay biglang napawi
Mga sandali ay pinuno mo ng sigla
Kahit sa simula ay may pagdududa
Mata ay ipinikit sa ligayang iyong dala
Kahit puso'y nagtatanong, 'tunay bang talaga'
Ngunit kahit anong tago'y pilit sumisilip
Ang katotohanang ako ay sakdal nagamit
Kahinaan ko ay naging kalasag man din
Ng isang pusong sa palaso'y kumapit
Hanggang kailan iyong itatanggi
Kung patuloy na gagamitin ang pusong api
Tumayo ka at ipagtanggol ang iyong sarili
Kung ang paghatol ko ay pawang mali
Nasaan ang pag-ibig na sa tuwina'y sinasabi
Hanggang sa buka lang ito ng iyong mga labi
Patunay kailanman ay di kayang magawi
Sapagkat puso'y hungkag at iba ang nais
Puso ko'y naninimdim at gusto ng tumigil
Sa pagtibok nito sana'y di ka na hanapin
Sa alaala ko'y pilit kong buburahin
Pagsuyo sa aking lubhang huwad man din
Ilang ulit ko na bang ito'y sinabi
Paulit-ulit lang at di maiwaksi
Pag-ibig ko'y hihintayin na lang matigil
Hanggang puso'y maging manhid
at buhay ay mapawi
[...] Read more
poem by Rose de Ramar
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
