Salagubang
(Salagubang)
Sa tumana sa amin, pag buwan ng Mayo
Kapag takip-silim ay maraming tao
Iyon ang oras ng paglitaw, pagsabo
Ng salagubang naming inaadobo
Kapag bagong ulan, tamang araw iyon
Sa pananalagubang kapag dapit-hapon
Ang bata, matanda ay may dalang bumbong
Ng lata o bote o kaya'y garapon
Lagayan ng mga nila'y maiipon
Na pag adobo na'y masarap, malutong
Panahon din iyon sa mga tsikiting
Na ang punong mangga'y kanilang ug-ugin
Ang nalalaglag na mga salagubang
Nila'y pinupulot, gagawing laruan
Tinatalian ng maikling sinulid
At paliliparin ng paikit-ikit
Larong 'balikwasan' kung aming tawagin
Back-to-back, salagubang, pagdidikitin
Malagkit na dagta ng mangga ang gamit
Saka ilalapag silang patagilid
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
