Ang Kalbo
Ang sabi mo noon, ako ang mahal mo
Kahit nandadalang na itong buhok ko
Nakakita ka lang ng mas pogi't guwapo
Ay lumimot ka na, iniwanan ako
Sawing kapalaran, hindi ko matanggap
Ako ay kumuha ng isang bulaklak
One by one ang petals ay aking pinitas
Kasabay ang tanong, 'Loves me she? , Loves me not? '
Petals ay naubos nang di ko nalaman
Kung ako o hindi ang tunay mong mahal
Sa pamimighati, ang napagbalingan
ko'y itong buhok kong lalong dumadalang
Isa-isa sila ay aking binunot
Yun pa rin ang tanong, 'Loves me she? , Loves me not? '
Saklap ay nadama sa panghuling buhok
Kasagutan pala'y. truly you love me not
Nakapanglalambot, anong saklap Diyos ko
Bakit ba nadamay pa itong buhok ko
Dahil sa pag-ibig, ako ay ganito
Wala na ngang buhok, panot na pa'y kalbo
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
