Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Suntok Bago Magwakas

Patuloy na nagniningas
at humuhubog ng dahas
ang kamay ng langit,
ngunit wala na akong takot,
wala na akong kalaban

Ang aso sa pintuan
ay nagbibigay babala
ngunit pinagyayabong lamang
ang lihim na kagustuhan
upang himayin ang mga
nakasaklob sa kadiliman

Saan ba nagpupunta
ang pulutong ng ibon?
Bakit sila tumatakas?

Kumatok ako sa pintuan
umalingawngaw ang panawagan
Ang langit ay nalukot at
kumaskas ang mga bato
pinagliyab ang azul na apoy
sa likod ng kanyang telon

Ang aso ay tumalon
idinipensa ang matutulis na pangil
suminghal sa hangin
ngunit walang barikada
ang di tatanggap ng kaibigan
dahil sa matigas na kalamnan
nagtatago ang ningas
ng kanyang kahinaan,
naghihintay ng kamay
na tutugon sa saklolo

Hindi ako nagpatalo
sa pagbira ng delubyo
dahil ang klimang natutulog
sa marupok kong buto
ay masahol pa sa anyo
ng isang milyong anino

Ngunit bakit patuloy pa rin
ang paglisan ng mga ibon?
Hindi na ba muling dadaong
ang araw sa islang ito?

Patay na ang apoy
wala ng pintig and baga
nang ang kamay ay bumaba

[...] Read more

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share
 
 
This text contains a mistake
This text is duplicate
The author of this text is another person
Another problem

More info, if necessary

Your name

Your e-mail

Search


Recent searches | Top searches