Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Sa Silong Ay May Ulupong

Ang mansanas
sa kanyang pulang seda
ay marikit na nakaupo
at naghihintay mahubaran
sa kanyang porselana
at sa tamang oras
ang mansanas
ay nakalalasing at
nakalalason din

Ang mga susi
na ating hinahagilap
at patuloy na hinahanap
na tila gintong pilak
ngunit walang sapat na hugis,
tunog, bigat o kasarian
ang siyang magbubukas
ng mga kandadong
kanilang ring isinara

Ang mga kalapati at uwak
magkaiba ang kulay,
magkaiba rin ang iyak
ang bagwis ay mayroong
magkaibang ingay
at magkaibang lakas
ngunit sa himpapawid
sila'y magkahalintulad
parehong tumatakas, lumilipad

Ang batis, ang lambak,
ang mariposa, ang bulaklak—
Ang lahat ng bagay,
sa pagitan ng bakuran
ng pagka-sagrado at kabaliwan
ay mayroong palapag
kaaya-aya sa unang baytang
ngunit sa silong
ay mayroong ulupong.

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share
 
 
This text contains a mistake
This text is duplicate
The author of this text is another person
Another problem

More info, if necessary

Your name

Your e-mail

Search


Recent searches | Top searches