Kalapati Sa Dilim
Kalapati sa dilim
sana'y mangarap ka
sa liwanag ng araw
ika'y mamuhay
sariwang bango ng bulaklak
ay iyong langhapin
mapuputing ulap
sa bughaw na langit
ay iyong tingalain
sa mga alon sa dagat
ika'y makipaglaro
at liwanag
ng mga bituin at buwan
ay siya mong gawing tanglaw
sa iyong pagtulog.
Kalapati sa dilim
buhay sa gabi
ay sadyang masaya
alak at musika
at amoy ng salapi
ay nakakalasing
subalit...
hanggang kailan naman kaya?
Kalapati sa dilim
sana'y mangarap ka
at sa liwanag
ika'y magbalik.
poem by Marites C. Cayetano
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
