Inang Bayan
Inang bayan
alam ko
ikaw ay malaya na
sapagkat
matagal na ring lumisan
ang mga mananakop.
Inang bayan
ng iyong kalayaan
saan ka ba ipinadpad,
bakit hinayaang
sarili ay
ibilanggo ng lubhang
kahirapan?
Inang bayan
ito ba
ay iyong pili,
o ng iyong mga anak?
Inang bayan
kailan mo ba malilingap
iyong mga
naisantabing anak
na tanging hangad
ay makakain
ng tatlong beses
isang araw,
magkaroon
ng masisilungan
sa tag-init at tag-araw,
at magkaroon
ng abot-kayang medikasyon...
at edukasyon.
poem by Marites C. Cayetano
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
