Tinik, Sungot at Kaliskis
Sa isang tubigan, nagkatipon-tipon
Magkakaibigang mula dito't doon
May hugis ay haba, may hugis ay lapad
May galing sa ilog, may galing sa dagat
Sila'y nagkuwentuhan tungkol kahit ano
Mayroong nagsabing siya'y ganoon, ganito
May nagmayabang na, 'Herein I am the best
Sa 'kin wala kayo, I'm better than the rest'
Ako ay si Hito, di man ipagtanong
Ako'y may kamandag at tibo na baon
Kaya sa paglapit sa 'kin ay ingat ka
At baka masikwit ng ice pick kong dala
Ako ay si Palos, baka di n'yo talos
Sagisag ng galing sa paghuhulagpos
Dahil sa 'king dita ako ay madulas
Sa anumang gipit, mabilis kumalas
Ako ay si Kapak, kaliskis ay pilak
Itong katawan ko'y laging kumikislap
Kumikislap ka nga, but there is a saying
You are silver outside, but burak deep within
Ako ay si Gurnard, also a flying fish
Champion sa liparan na sadyang mabilis
Excuse me, excuse me! I beg your pardon, please
But you can only glide, not fly as you insist
Totoo, totoo! Di ka lumilipad
Magaling ka lamang sa pagsalipadpad
Kukuha ng buwelo at saka lulundag
Hindi nakaka-fly, incapable of flight
Naku! Ang yayabang, puro kayo dada
Wala namang ambag o kaya'y nagawa
Sa mga designer, ito ang handog ko
Pattern na herring-bone, galing sa 'king buto
Ikaw, Labahita, bakit Surgeonfish ka
Isa ka lang isda, manggagamot di ka
Dahil sa scalpel na lagi kong taglay
Nasa may buntot ko, doon nakalagay
Sa 'yo naman Tuna, ito ang tanong ko
Pampanong mabilis ang paglangoy na iyo
Ang sagot ng Tuna'y 'wala naman 'igan,
Ang aking paglangoy, tinu'Tulingan lang'
At ikaw, Sardinas, hari ka ng tanga
Bakin ga ikaw ay napasok sa lata
Sa pagsasalita ay dahan-dahan ka
Pag sa katangahan, sa 'kin may higit pa
Sa ngalang ngalan lang, siya ay Tonto na
Bakit ang usapan n'yo'y parang kay gulo
May dalagang-bukid, hindi naman tao
Binatang-parang pa, ako'y nalilito
Ay! Nakakainis! Diy-an na nga kayo!
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

No comments until now.