Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Huwag Kang Yumuko Sa Purgatoryong Ito

‘Wag kang yumuko, kaibigan
lumakad ka sa ilalim ng buwan
at maligo sa kanyang liwanag
at wag mong itago ang iyong
anino na nais lamang sumayaw
sa kanyang maamong sinag

Lumakad ka sa apoy at
maligo ka sa nyebe, isuot
ang iyong pinaka-magarang
maskara, ngunit huwag
mong hayaan ang ilog
sa malalalim mong salamin
na matulog at di na gumising
o di kaya'y kalimutan ang
sining ng liwanag nito

Huwag mong sandalan ang
mga mayaybong na puno
dahil ito ay nakaugat sa lupang
hindi mababasag kahit pa
umaandar muli ang gulong ng
mga humintong orasan
at sa huli, ikaw rin ang maiiwan

Dumulong ka sa mga bulaklak
at hayaan mong mamukadkad
ang mga sinilid na hinagpis
dahil ito ang magbibigay kalansay
sa malamyang katawan na
sumasayaw at yumuyuko sa
marahas na hanging habagat
Ito ang magbibigay kalasag
sa marupok na kagandahan -
sa anyo ng matutulis na tinik
sa payat at walang laban na katawan

Huwag kang matakot
at huwag kang sumuko
hangga't mayroon pang
mga mumunting piraso ng
langit sa purgatoryong ito.

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share
 
 

No comments until now.


Comment

Name (required)

E-mail address (hidden)

Search


Recent searches | Top searches