Sa Duyan Ng Mga Ulap
Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y paghimlayin
hapo mong katawan.
Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pagmasdan
mundong nagsayawan
sa mahaharot na tugtugin.
Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pakinggan
mundong nag-awitan
ng mga awit ng dusa.
Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pagmasdan
mundong maligayang nakipaglaro
sa mga alon at mga isda
sa mga bulaklak at mga ibon
sa haplos ng hanging banayad.
Halika na
sa duyan ng mga ulap
duo'y pagmasdan
mundong nahimbing
sa liwanag ng mga bituin
at buwan.
Halika na
sa duyan ng mga ulap
habang kaputian nito
ay nananatili pang busilak.
poem by Marites C. Cayetano
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

No comments until now.