Musmos Na Pagsinta
musmos na pagsinta
madalas
sa silid-aklatan
sulyap
sa nililiyag.
poem by Marites C. Cayetano
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Related quotes
Usapang Profession
Wikang Filipino'y talagang mayaman
Daming talinhaga, daming kahulugan
Anumang opisyo, anumang larangan
Practitioners ay nagkakaintindihan
Sa field ng medicine at ng mga doktor
Pag may sumusuka, the ailment they shall cure
Ngunit naiiba d'on sa mga pintor
Ang 'sumusuka' na, pa ay 'nilalason'
Halimbawa naman ay sa karpintero
Merong 'hinahabol' di naman natakbo
Madalas din silang may 'hinuhulugan'
Ngunit wala namang pinagbabayaran
Mga confectioner sila'y hindi naman
Pero madalas na gumawa ng 'ampaw'
Pag sinabi nilang sila'y magpi-'pisi'
Tiyak na ang gagamitin nila ay tansi
Sa palitada at sa finishing touches
Meron silang sinasabing 'anay finished'
Sa mekaniko ay meron ding ganito
Hindi nagsusugal, meron silang 'juego'
Ang gamit na gulong wala namang ulo
Madalas ang sabi nila'y 'nakakalbo'
Meron silang valve seat, walang umuupo
'Merong kumakatok', wala namang pinto
Kung sa mga tao ay merong 'mahangin'
Sa fuel injection, nagkakaroon din
At kapag sinabing ikaw ay may 'sayad'
Ay natitiyak kong ito'y away agad
Tungkol sa 'yong motor pag ito'y sinabi
Ito ay gastusin, dapat kang magsubi
At sa welder na hindi marunong sumundot
Kadalasa'y 'popcorn' ang kanilang dulot
Pasensiya na kayo, oras ko'y kinapos
Magdadagdag pa 'ko dito sa 'king opus
Pakiusap ko sa mga kapanalig
You wait a little while, would you bear with me please?
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

A Love Story
-
(Chapter I)
October was the month, year 7 + 50
Ang lugar ay isang classroom sa PCC
Nang siya'y tumambad sa aking paningin
Magandang dilag na simple at mahinhin
Agad na naantig, puso ko't damdamin
Hindi mapigilan, pusong pumipitlag
Lihim na damdamin, gustong ipahayag
Sa aking isip ay may nabuo agad
Kailangang siya ay aking makilala
Ngunit ang modus ay papaano baga
Ang seating arrangement sa class na naturan,
Nasa harap ko siya, ako'y sa likuran
Agad kong napansin, kanyang kasuotan
Ang uso noon na kung tawagi'y H-line
Blusa na may lupi sa baba ng bewang
Na nakapaligid d'on sa may laylayan
Kahit alam ko na yao'y kamalian
Ng kaprasong papel, lupi'y hinulugan
Utos ng damdaming hindi mapigilan
Sa papel na iyon, nakasulat ba'y ano
Yao'y walang iba kundi ang 'I love you'
Sumunod na araw, si Romeo'y balisa
Hindi kumikibo at kakaba-kaba
Kung ano'ng gagawin hindi niya malaman
Reaksiyon ni Juliet, pinakiramdaman
Ang may gawa kaya ay kanya nang alam
Sa loob ng campus, one day, isang araw
Papasok sa canteen, chick ay naispatan
Mayroong kasama, isang kaibigan
This is the right timing, pasok si Don Juan
Tatlong bote ng coke agad binayaran
Sa harap ng dilag agad ibinaba
Ang mga de boteng malamig at basa
Ang magkaibigan, obvious na nabigla
Lumabas ng canteen na rumaragasa
Self-intro ni Romeo ay hindi nagawa
Naiwan sa canteen na nakatunganga
Ang pobreng binata ay kawawa naman
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

La Naval De Manila, My Mother
'Sa Iyong kandungan aking natikman ang unang pagmamahal. Kahit musmos pa, kapiling ka aking ina.'
Happiness, gladness, as I remember those old days.
We can surely say that we are lucky, but how?
The only thing in my life that I have is my mom.
My mom, my mom.
October 2,2008 was the enthonement of La Naval de Manila.
I was there at exactly 4: 30 pm.
The throne was empty.
Then at 5: 10 pm the lady went out of her royal room.
She was wearing her regalia, and a short procession was done.
I was seated at the left panel of the altar (I was lucky) . As she proceeded to her throne, I was crying.
Why? I remember my mom, La Naval's image is too motherly.
An affection of a mother and a son.
Tears fell. I did not able to touch her because of a certain shock.
My Queen, My Mother.
October 12,2008, I attended the annual the annual procession of The La Gran SeƱora de Filipinas La Naval De Manila.
Like what I have stated, I am a great devotee of the La Naval De Manila. I was there at around 9am, I wasvery happy to see the Lady standing in her Baldachino.
At around five in the afternoon, the procession went out,
as the mcee shoutedher name,
La Naval de Manila,
I hurriedly went to see her,
again the Lady was smiling in her carozza.
I said 'Kayo na po ang bahala sa amin.' That is the power of La Naval, powerful, motherly and majestic.
La Naval de Manila is like my mom.
My mom had battles, sufferings, and sorrows.
But my mom is a great warrior, like what the Lady did in the battle.
My mom continued the battle despite my father died.
What is the similarity of La Naval and my mom, both of them are brave. When Mary saw her dying son Jesus, she cried silently.
When my mom saw her two boys suferring she cried silently.
When Mary saw her son going to heaven, she was happy.
When my mom saw me going up on stage to receive my diploma, she cried, tears of joy fell.
Now that is what we call Women's power. Battles?
Yes, I believe that my mom is still having her battles.
Next year, October 2009, once again the La Naval will be placed in her royal baldachino,
she will hear songs again in her honor,
she will have a procession once again.
The Faith that my mom and I have will always continue,
it will always be there.
Without La Naval, the battles that we had will never be surpassed. Thank you, Our Lady of La Naval.
Thank you.
poem by Randolfh Bunag
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Sa Aking Sentimiento
Sa bintana ay nakadungaw
Isipa'y sa malayo nakatanaw
Simoy ng hangi'y ninanamnam
Mga mata ay malamlam
Sa labi ay inaasam
Na dating pagsinta mo ay muling makamtam
Sa awit ng mga ibon aking naaalala
Boses mong malamig at kahangahanga
Na noon ay naging aking himig na maaya
Sa pagsulat ng mga tula at nobela
Mga haplos mo ay naging oyayi sa paghimbing
Maiinit na lambing at bati sa aking paggising
Katawan mong mala-Adonis
Sa pangarap sana'y masilip
Higpit ng mga yakap mo't halik
Giliw labis akong nasasabik
Muli't-muli ang aking nais
Makapiling, maangkin ka't makaniig
Kung di dumating marahas na bagyo
Sa iyo sana'y di lubusang napalayo
Katulad ko ngayon ay bulaklak na kay bango
Ikaw ang paru-paro na nauuhaw sa pagdapo
Ibinubulong na lang sa hangin ang kahilingan ko
Umaasang dadalhin sa kinaroroonan mo
Hanggang sa sumapit ang takip silim
Laman kang lagi ng mga salamisim
Kung araw man ay tuluyang lamunin ng dilim
Ala-ala mong nasa puso ko't isipan ay nakasukbit pa rin
Sa pagtulog ng taimtim ang samo ko't dalangin
Makasama kang muli, ang bukang liwayway ating haharapin.
poem by Catherine Agunat
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Mga Luha ng Kandila
Ako ay papunta sa mundong ibabaw
Nang ang liwanag mo'y una kong mamasdan
Liwanag na siyang matiyagang gumabay
Sa isang pares ng mabubuting kamay
Na sa akin ay sumahod mula sa karimlan
Na aking daigdig hanggang siyam na buwan
Ako'y inilapag nang buong lumanay
Sa siping ni Ina ako'y inilagay
Noon ko nakita luha mong napatak
Na kung para ano'y di ko madalumat
Iyon ba ay luha ng kaligayahan
Ang magiging akin, buhay na tiwasay
O 'yun ba'y mga luha ng kalungkutan
Ang daranasin ko'y pawang kabiguan
Muli kong nakita ang iyong liwanag
Sa araw na takda noong aking binyag
Muli, nakita ko iyong mga luha
'Yon ba'y pahiwatig o kaya'y babala
Ng dahop na buhay o kaya'y sagana
Ang iyong liwanag muli kong nakita
Nang ako't ang mahal ko'y kinakasal na
Init ng 'yong tanglaw noon ko nadama
Sing init ng isang tunay na pagsinta
Pagal kong katawan binigyang ginhawa
Ang huli mong sindi di ko na nakita
At ang iyong init di ko na nadama
Tanging naririnig ko'y mga panaghoy
Panangis ng mga nagluluksa noon
Pagkat ako noon na ay nakahimlay
At na'y paparoon sa kabilang buhay
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Pagsintang Bawal
Batid ko ang dapat gawin
Iwaksi ang mali at tama ang piliin
Subalit paano pipigilin
Ako'y alipin ng aking damdamin
Ramdam ko'y pag-ibig ngayon pa lang dumating
Parang isang batang na love at first sight man din
Sa kabila ng lahat kong pagsikil
Di maitago nag-uumalpas kong damdamin
Sana lang di na kita nakilala pa
At nasilayan ang maamo mong mukha
Sana'y di mo na tinapunan pa
Ng isang ngiting puno ng pagsinta
Upang sa gayon ako'y hindi nabahala
At hindi na muling umibig pa
Subali't maaaring ako'y manghinayang
Kung pag-ibig na wagas ay di naranasan
Kahit pa ito'y pagsintang bawal
Masarap damhin at buhay ay may kulay
Ngunit ano ang sasapitin
Ng isang pag-ibig na di dapat atin
Mabuti pang ito ay putulin
Habang ang tadhana'y kampi pa sa atin
poem by Rose de Ramar
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Laking Marikina, Part 2
Isang paraiso no'n ang Ilog Marikina
Daming binubuhay, daming umaasa
Malinis na tubig, siya'ng pinagkukunan,
Inumin sa banga, panligo sa tapayan
Tumana sa baybay, daming binubuhay
Palakaya sa tubig, iba't-iba ang paraan
Sa inyo ko'y babanggitin, anu-ano ang pangalan
BINGWIT
Ang Bingwit ay isang panghuli ng isda
Na may tangkay, pisi, pabigat at taga
Sa Ingles siya ay rod, hook, line and sinker
Bingwit or Fishing Rod, parehong may pain
Pain namin no'n ay hipon at bulate
Sari-saring isda ang nangahuhuli
Biya, hito, kanduli, minsa'y bakule
Bingwit ay di pare-pareho ang gamit
Merong sa tubig lang ay inilalawit
Merong hinihila matapos ihagis
Para ng isda ang pain ay mapansin
Akala niya'y buhay, agad sasagpangin
Ang tawag namin sa ganitong paraan
Ay di namimingwit, kundi nanggagalay
PATUKBA
Patukba ay parang bingwit na maliit
Maikli ang pisi, ang tangkay ay siit
Tangkay ay matulis para maitusok
Pag iniuumang na sa tabi ng ilog
Sa dulo ng tangkay doon nakalawit
Ang pising sa dulo, taga'y nakakabit
Kung ito'y iumang ay sa dakong hapon
Pain ay palaka, kuliglig o suhong
IIwang magdamag hanggang sa umaga
ang oras na dapat sila'y pandawin na
Ang paing sa tubig ay kakawag-kawag
Ng bulig o dalag gustong sinisiyab
Ang aking patukba'y tatlumpu ang bilang
Di marami, di kaunti, lang ay katamtaman
Sa bilang na ito, bawat pag-uumang
Ang dalag kong huli'y naglalaro sa siyam
Ang paing kuliglig saan kinukuha?
Sa ilalim ng yagit sa bukid/tumana
Ang suhong naman ay sa mga putikan
Sa tabi ng ilog, kahit na nga saan
Ang palaka naman ay sa mga lawa, Sa bukid, sa ilog at lugar na basa
KITANG
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Paglilimas
PAGLILIMAS
Ang paglilimas ay saan ginagawa
Sa mga bukirin, sa kanal o lawa
Sa katag-arawan, maaring sa sapa
Na putol-putol na at agos na'y wala
Kung ang paglilimas, sa kanal gagawin
Sa tamang sukat ay hahati-hatiin
Sa pamamagitan ng dam o pilapil
Na yari sa damo, lupa kaya'y putik
Saka isasaboy palabas ang tubig
Madalas na gamit, balde, pala't timba
Pag tubig ay nasaid, lilitaw ay isda
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Hi Tech
Salamat na lamang sa high technology
Na kahit huli na'y umabot pa kami
Kaming 'pinanganak noong ninteeen thirty's
At swerteng narating ang idad seventies
Ang tula na ito nang aking sulatin
Sign pen ang ginamit, substitute ay ballpen
Final draft, tinapos sa aking computer
Malinis na kopya'y ginawa sa printer
Extra copy nito'y puwedeng ipadala
Attachment sa email, by fax at meron pa
Surface mail at airmail, kundi kuntento ka
By Fedex, LBC, hari ng padala
Ang maraming kopya, paano gagawin
Noon ay photostat, masyadong maitim
O kaya'y mimeograph, a very messy thing
Tinta'y kumakalat sa pag-i-stencil
Ngayon nama'y xerox, pagkopya'y matulin
Kung ang tulang ito'y noon ko sinulat
Ako'y mayayamot, at iyon ay tiyak
Kung kailan ako ay nagmamadali
Ang lapis na gamit, saka mababali
Gamit na fountain pen, tinta'y umaagas
Kundi nagtatae, penpoint ay matalas
Sa aking 'cocomband', kakamot, kakaskas
Noong bata kami, ay wala pang cellphone
Telepono'y mayaman lang ang mayroon
Lihim na pag-ibig, hindi maite-text
Tulay o messenger, kelangang gumamit
Resultang madalas, sulat maintercept
Ng tatay o nanay na napakahigpit
O kaya'y si darleng, sa 'tulay' kumabet
Kapag ang wagas na pag-ibig na iyo
Ay sa kaprasong papel pa isusulat mo
Sa post o koreo padadaanin pa
Bago ka masagot, kayo'y matanda na
Walang mega taksing kung tawagi'y FX
Magtitiyaga ka lang sa PUJ na dyip
'God Knows Hudas Not Pay', paskel, nakadikit
'Upong Diyes lamang po', laging sinasambit
Ng tsuper na kundi mabait-masungit
Mga bata noon, hilig ay mangisda
'Fighting fish' naman ang sa mga matanda
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
