Ulan
Sa pagbuhos ay hindi mapipigilan
Panaghoy ng halamang uhaw ay pinagbibigyan
Lupang tigang ay binubusog at dinidiligan
Inaanod mga alikabok ng nakaraan
Taguktok ng patak ay kay inam pakinggan
Maragsa o banayad man, aliw-iw ay kagigiliwan
Bawat nilalang ay kinakausap at inaawitan
Nag-aanyaya na ito'y sasaliwan
Kung indayog nito'y marahang sasabayan
Isipan ay dadalhin sa hinaharap o sa mga nagdaan
Hatid ma'y kalungkutan o kaya'y kaligayahan
Tugon ng puso ay hindi mailalarawan
Kung kahilingan ko sana'y diringgin
Na sa muling pagbagsak, kaluluwa ko'y tangayin
Nang makapaglakbay kasama sa ihip ng hangin
Tiyak lulundag sa tuwa itong aking damdamin.
poem by Catherine Agunat
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

No comments until now.