Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Domestic Hero

Kuskos dito, kusot doon
Pantahanang katulong kanyang propesyon
Mababa man uri ng trabaho
Kalidad naman hatid na serbisyo.

Sa oras ng kanyang pahinga't pag-iisa
Tahimik lang habang pumapatak ang luha
Pagkat kanyang pamilya'y naaalala
Sa kahirapa'y nais makaraos kaya tinitiis pangungulila.

Sa oras ng sahuran
Siya'y nasisiyahan sa pagtanggap ng pinagpaguran
Na kahit sa bulsa'y wala nang matitira
Handang magtiis maibigay lamang pangangailangan ng pamilya.

Domestic Helper ang bansag sa kanya
Alilang dukha, taong mababa turing man ng iba
Ngunit siya'y Domestic Hero sa sariling bansa't pamilya
Dahil sakripisyo'y di matatawaran, di matutumbasan anumang halaga.

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share
 
 

No comments until now.


Comment

Name (required)

E-mail address (hidden)

Search


Recent searches | Top searches