Click in the field, then press CTRL+C to copy the HTML code
Panaghoy
Aanhin ko
ang lahat ng yaman sa mundo
kung dito ay wala
ni isa mang kasalo.
Aanhin ko
ang pinakamataas na karangalan
kung dito ay walang
mapag-aalayan.
Aanhin ko
ang makapiling ka
kung ang isinisigaw ng iyong puso
ay hindi ako.
Aanhin ko
ang aking magandang tinig
kung wala ditong
makikinig.
Aanhin ko
ang aking mga tula
kung wala ditong
tutula.
Aanhin ko
ang mabuhay
kung aking saysay
ay maitutulad sa hanging
walang nakakakita.
Oh, poon ng mga poon
bakit pa ako'y nilalang
kung ika'y walang gagawin
kundi ako'y pagtaghuyin.
poem
by
Marites C. Cayetano
solid border
dashed border
dotted border
double border
groove border
ridge border
inset border
outset border
no border
blue
green
red
purple
cyan
gold
silver
black