Click in the field, then press CTRL+C to copy the HTML code
Ang Matanda Sa Munting Dampa Sa Gitna Ng Mga Puno Ng Bayabas
Doon sa munting dampa
sa gitna ng mga puno ng bayabas
nakatira ang isang matandang
walang makapagsabi
kung lalaki o babae.
Mula sa malayo'y
tanging maputi niyang buhok
ang aking natanaw
dahil sa mga kahoy na bakod
na nakapalibot
sa kanyang munting paraiso.
Kanyang kuwento'y
di ko gaanong narinig
sapagkat sa mga kapitbahay
siya'y walang ugnay
tanging alam ng lahat
siya'y nag-iisa't matagal na doon
at baka pa nga daw aswang
kaya't sa kanya'y
walang nagtangkang lumapit.
Sa gabi'y
tanging liwanag niya'y
lamparang hindi man kasing liwanag
ng bombilyang aming gamit
kapag yao'y aking natanaw
naruon ang init
at hindi ang panglaw.
Ang matanda sa munting dampa
sa gitna ng mga puno ng bayabas
sa kanya ako'y naninibugho
sa buhay niyang datapwat aba
sa paningin ng marami
ay malayo sa ingay ng mundo
malayo sa nakakasilaw
na mandarayang liwanag
ng mundo.
Subalit,
sa luho, luha at tuwang
aking natikman
kasama ng mga kaibigan at pamilya
natitiyak kong aking buhay
kailanma'y di maging tulad
ng kanya.
poem
by
Marites C. Cayetano
solid border
dashed border
dotted border
double border
groove border
ridge border
inset border
outset border
no border
blue
green
red
purple
cyan
gold
silver
black