Click in the field, then press CTRL+C to copy the HTML code
Ulan sa Buhay
Pagdating nito kung minsan ay sabay-sabay
Na sa pagbuhos ay tila wala nang humpay
Pag labis na dibdibi'y nakakarindi't makakalumbay
Kaliwa't kanan, likura't harapan
Sa dami'y hindi na mawari pasimuno't pinagmumulan.
Tingin ng ibang taong dumaranas
Sila'y sinumpa kaya sa buhay minamalas
Sulirani'y ayaw harapin, damdami'y nagpupumiglas
Hanggang sila'y magiging manhid at puso'y nanigas
Na sa kalauna'y, asal ay mapanibugho't marahas.
Meron ding nagsasabi, sila'y ayos lang
Kabilaan man pagsubok na dinadaanan
Sila pa ri'y nakangiti't sa kapwa'y nakikipagtawanan
Subalit isang araw, sa balita ika'y magugulantang
Si Tarpolanong 'okey lang' pumanaw na't
Ulan sa buhay di na raw nakayanan.
Kung mga ulan sa buhay, ikay nabibigatan
Mga problema't pasani'y dina makayanan
Kay Jesus manalig at ika'y tutulungan
Magtiwa lang sa kanya't di ka pababayaan.
Sa Kanyang mga bisig at kamay
Ika'y magiging matatag at matibay
Tulad ng agila, di mapapagod sa paglipad at pagkampay
Ulan man sa buhay sa pagbuhos wala nang humpay
Hatid ma'y baha, ika'y di matatangay.
poem
by
Catherine Agunat
solid border
dashed border
dotted border
double border
groove border
ridge border
inset border
outset border
no border
blue
green
red
purple
cyan
gold
silver
black