Click in the field, then press CTRL+C to copy the HTML code
Sa Piling ng Galimgim
Ako'y nakaupo sa may beranda
Nag-iisip, sa kalawakan nakatingala
May masidhing pangungulila
Sa kahapon na aking binabalik-balikan
Nauuhaw sa kabataang kinasasabikan
Yapos ng yumaong kong ina
Nais na muling madama
Sa ugoy ng lumang duyan
Awit niya'y dahandahan
Pagtagas ng luha ko'y di mapigilan
Sa dampi ng hanging malamig
Lalong lumalala pagkauhaw sa nagdaan
Hindi na maipaliwanag tindi ng nararamdaman
O dati kong kanlungan hangad kang masilayan
Katulad ko ngayo'y sisiw na nawalay sa magulang
Ngunit sa pagkatanaw papalubog na araw
Sa tanikala ng galimgim, nakawala at diwa'y nahimasmasan
Ganda na aking nasaksihan
Pahiwatig na ako na'y dapat mamaalam sa nakaraan
Nang makausad at maharap ningning ng kinabukasan
Kung mabubuting bagay sana'y walang kupas at pagbabago
O anong aya ng mabuhay dito sa mundo
Lalo na kung minanamahal ay di lumilisan, yumayao
Damdamin ay di na kailanman maliligaw at madadako
Sa piling ng galimgim na mapang-alipin.
Galimgim- nostalgia
poem
by
Catherine Agunat
solid border
dashed border
dotted border
double border
groove border
ridge border
inset border
outset border
no border
blue
green
red
purple
cyan
gold
silver
black