Click in the field, then press CTRL+C to copy the HTML code
Sa Aking Sentimiento
Sa bintana ay nakadungaw
Isipa'y sa malayo nakatanaw
Simoy ng hangi'y ninanamnam
Mga mata ay malamlam
Sa labi ay inaasam
Na dating pagsinta mo ay muling makamtam
Sa awit ng mga ibon aking naaalala
Boses mong malamig at kahangahanga
Na noon ay naging aking himig na maaya
Sa pagsulat ng mga tula at nobela
Mga haplos mo ay naging oyayi sa paghimbing
Maiinit na lambing at bati sa aking paggising
Katawan mong mala-Adonis
Sa pangarap sana'y masilip
Higpit ng mga yakap mo't halik
Giliw labis akong nasasabik
Muli't-muli ang aking nais
Makapiling, maangkin ka't makaniig
Kung di dumating marahas na bagyo
Sa iyo sana'y di lubusang napalayo
Katulad ko ngayon ay bulaklak na kay bango
Ikaw ang paru-paro na nauuhaw sa pagdapo
Ibinubulong na lang sa hangin ang kahilingan ko
Umaasang dadalhin sa kinaroroonan mo
Hanggang sa sumapit ang takip silim
Laman kang lagi ng mga salamisim
Kung araw man ay tuluyang lamunin ng dilim
Ala-ala mong nasa puso ko't isipan ay nakasukbit pa rin
Sa pagtulog ng taimtim ang samo ko't dalangin
Makasama kang muli, ang bukang liwayway ating haharapin.
poem
by
Catherine Agunat
solid border
dashed border
dotted border
double border
groove border
ridge border
inset border
outset border
no border
blue
green
red
purple
cyan
gold
silver
black